Prestigious Waterfalls: Mimbalot Falls
Ang Mimbalot Falls ay tinatawag itong Prestigious Waterfalls sa lungsod ng Iligan dahil sa taglay nitong kagandahan. Matatagpuan ito sa Lungsod ng Iligan, maraming mga taong pumupunta rito pati mga dayuhan ay pumupunta dito. Karamihan na pumupunta dito ay ang magkakaibigan, mag ka syota at yung iba ay ang Pamilya, Ma e-enjoy mo ang pagpunta mo dito dahil maraming mga gawain na dapat mong gawin dito tulad ng pag sakay ng Zipline at hanging Bridge at iba pa. Napaka raming mga magagandang tanawin na matatagpuan sa lungsod ng iligan, talagang tunay na maraming magagandang lugar na mapupuntahan sa aming lungsod, kasi nga mayaman ang lungsod ng iligan sa mga falls at isa na sa mga pinaka magandang falls ang mimbalot falls. Tunay na nakakabighani ang lugar ng iligan pati mga dayuhan ay nahihikayat na pumunta sa lungsod ng iligan. Isa na ako sa mga taong nakasaksi sa kagandahan ng aming lugar at nasaksihan ko narin ang ganda at nakabibighaning lugar ng mimbalot falls. Maraming iba't ibang water falls na matatagpuan sa lungsod ng iligan at kabilang na sa isa sa mga pinaka magandang falls ang mimbalot falls at sa aming pagpunta sa mimbalot ay talagang sobra kong saya.
Isang araw ng sabado ay napag usapan ng aking ama at ina na pumunta sa mimbalot falls, sa hindi ko inaasahan na akala koy biro lamang na napag usapan ng aking ama at ina na pumunta sa mimbalot falls ay kina umagahan ay nag handa agad kami ng mga kagamitan kagaya ng plato, kutsara, baso, inumin at mga pagkain. bago kami pumunta ay inihanda namin ang mga lutuin kagaya ng sinaing na bangus, agad kaming bumili ng uling para sa isasaing na bangus at ang mama ko naman ay nagluto ng mga iba't ibang pagkain kagaya na lamang ng palapa, pater, adobong manok, pansit, letchon manok, sphagetti at iba pang mga masasarap na putahe. Pagka tapos maihanda ang lahat ng mga dadalhing pagkain ay nag handa ana agad kami saming mga damit na susuotin sa araw na iyon para maligo, pumunta agad ako saking kwarto upang ihanda ang aking susuotin papunta at pauwi, kinuha ko ang pajama ko at asul na damit para sa isusuot ko papunta sa mimbalot falls at pagkatapos ay nag reserba ako ng pampauwi ko na damit. Matapos naming maihanda ang lahat ay sumama ako sa aking ama at kuya para kumuha ng masasakyan papunta ron sa mimbalot falls. Nang makakuha na kami ng sasakyan papunta roon ay dali-dali naming hinakot ang mga kagamitan na aming dadalhin lalo na ang mga pagkain na aming kakainin. Agad na kaming lumakad palabas ng aming bahay papunta sa nirentahan naming pampasaherong sasakyan na nakaparke sa bagsakan at sumakay agad kami ng may mga ngiti sa aming mga labi at kitang kita ko naman na talagang ang saya nang aming buong pamilya na sama-sama.
Habang umaandar na aming sinasakyang jeep ay pati ako ay nagagalak na sa wakas ay makakapunta narin ako sa isa sa mga hinahangaang falls dito sa iligan na ang mimbalot falls, nagtatawanan at nagkukulitan kaming lahat sa aming sinasakyang jeep habang itoy papunta pa lamang sa aming paroroonan. Masaya ako sa araw na iyon kasi nga sama-sama kaming lahat na aking buong pamilya at natutuwa ako kasi kasama ko ang iilan saking mga matatalik na kaibigan. Hinding-hindi ko talaga malilimutan ang araw na pumunta kami sa mimbalot falls, sanay makabalik kami ulit dun sa mimbalot falls. At ng makarating na kami sa mimbalot falls ay sobrang saya talaga naming lahat at na eexcite akong ma diskobrehan ang lugar na kinamamanghaan ng karamihan na nakapunta na sila sa lugar na ito. Pagpunta namin saming cottage ay agad kong kinuha ang aking napaka cute, kulit at handang-handa na sa pag ligo na pamangkin.
Matapos kong makita ang parte sa ibaba ay agad akong umakyat sa itaas na parte ng mimbalot falls para mas lalong makita ang lawak ng lugar ng mimbalot falls, mas lalo akong namangha sa aking natanaw at sa linis ng ihip ng hangin na aking nasimoy. Talagang sobra ang taglay na ganda ng mimbalot falls. Nakita ko rin ang saya ng aking kuya ng pumunta siya sa may zip line area at natatawa ako sa kanya kasi makikita mo talaga sa kanya ang tuwa at excitement na nararamdaman nya.
Masayang naliligo ang aking mga kaibigan at aking mga kapatid, nagpapasalamat ako saking ama at ina kasi kung hindi sa kanila ay hindi ito mabubuo ang aking kasiyahan at salamat saking mga kaibigan na sumama at naki isa saming kasiyahan. Sana naman na maulit ang araw na ito.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento