City of Waterfalls: Iligan City
Ang Tinago Falls ay napakagandang talon dahil sa taglay nitong tanawin. Tinatawag ko itong Amazing waterfalls dahil napakagandang talon at malayo ka pa naririnig mo ang agos ng talon nito at at napakaganda ng mga tanawin nito dahil makikita mo mismo ang bahaghari o Rainbow sa tubig . Maraming mga dayuhan ang pumunta sa Tinago Falls, matatagpuan ang talon na ito sa Iligan City. Dalawang beses na ako nakapunta doon sa Tinagi Falls at alamin natin ang pagpunta sa Tinago Falls.
Kaming magkakaibigan ay napag isipan naming pumunta sa Tinago Falls. Noong araw na pupunta na kami, ako'y naghanda ng mga gamit para pagbihis , pagkatapos kong maghanda pumunta ako sa Barangay Hall ng aming Barangay para doon kami magkitang magkakaibigan, hinintay namun ang isa't isa at tinulongan namin ang isa naming kaibigan upang kunin ang mga handa para sa aming kakainin. Nang kompleto na kami, sumakay kami ng Jeep papuntang petron para doon kami maghintay ng isa naman jeep, Limang piso ang bayad namin papuntang petron at nong nakapunta na kami sumakay kami na naman kami ng Jeep papuntang Buru-un. Labing dalawang piso ang nabayad namin papuntang Buru-un. Nong nakababa kami sa Buru-un ay lumakad kami ng mahigit tatlong minuto papauntang sa sakyan naming motor.
Sumakay kami ng motor papuntang Tinago Falls, habang nakasakay kami ng motor ay nakikita na namin ang mga magagandang tanawin at excited kami sa pagpunta doon. Nong nakababa kami, ako ay hindi makapaghintay na maligo kaya pumasok kami sa Tinago Falls at bumayad kami ng 120 pesos kada isang tao. Bago kami bumaba sa hagdan papunta sa talon ay may nakita kaming ibang mga statue ng kalabaw kaya agad na agad ako nag pa kuha ng litrato nito. Nang nakapasok na kami, bumaba kami sa hagdan upang marating ang Tinago Falls inabutan kami ng limang minuto bago kami nakapunta sa ibaba upang makapunta sa Tinago Falls dahil sa taas ng hagdan.
Nang narating namin ang Tinago ay laking gulat namin napakaraming tao, parang may program lang nangyari. Naghanap kami ng cottage upang malagyan namin ng gamit at pagkain namin, habang yung iba kong kaibagan naghahanap ng cottage nag pakuha muna kami ng litrato at
namasyal muna kami at nahanap namin ang nagtitinda ng Life Jacket kaya tinanong namin kong magkano ito, nagupa kami ng Life jacket sa halagang Limampu't piso kaya kinuha namin ito at bumalik kami sa cottage namin. Bumili rin ang iba kong kaibigan para sa seguridad ng aming buhay. Nang nakapaghanda kami at sinuot ang life jacket ay pumunta kami sa Talon upang maligo o lumangoy at iniwan namin ang isa naming kaibigan para tingnan ang aming kagamitan. Nang nakaligo o nakalangoy na kami ay nakita namin ang isang bangka na gawa sa bamboo na maraming taong nakasakay kaya agad agad rin kami sumakay nito.
Ang bangka ay papunta sa agos ng talon at habang nakasakay rito ay nadadaanan namin ang ang mga bahaghari o Rainbow, nakita rnamin ito at napakakulay ng bahaghari, Nang nakapunta na kami sa agos ng talon ay nagsipag sigawan kami dahil sa saya at ang lakas ng agos nito mula sa taas tungo sa amin sa baba para lang kami minamasahe ng tubig. Pumunta ako sa maliit nabutas na parang kweba at pinagmasadan ko ang taong nasisiyahan sa paglangoy. Bumalik kami sa cottage upang kumain pero nagpaiwan kaming dalawa ng kaibigan ko upang maglangoy pa dahil sa ganda nito halos hindi na kami gutomin nito. Habang naglalangoy kami maraming taong nagsisipag talon sa tubig at nagulat kami dahil sa taas nito ay nakaya nilang tumalon na walang pag dadalawang isip.
Nararamdaman namin ang lamig ng tubig kaya bumalik kami sa cottage upang kumain para malagyan ulit kami ng lakas at enerhiya, sabay sabay kaming kumain ng kaibigan ko at nag take selfie kami.
Pagkatapos namin kumain ay nagpasyal muna ako at may nakita ako na swimming piil pero magbabayad ka pag gusto mong maligo rito, bumalik ako sa cottage at pagbalik ko wala sila doon, nasa tubig na pala sila naglalangoy laking tuwa ko nong nakita ko sila. Naglangoy rin ako kasama nila at naglaro kami sa tubig, hindi kami natakot dahil alam ko na hindi kamu malulunod dahil may life jacket kami kaya pinagtuloy namin ang paglalaro. Pagkatapos non unti unti na dumidilim at unti unti rin nababawasan ang tao dahil umuuwi na sila. Napag-sisipan rin namin na umuwi kaya umalis kami sa tubig upang magbihis na.
Kinuha ko ang tuwalya ko at pumunta ako sa banyo upang magbihis at pagbalik ko ay may cake sa cottage namin dahil kaarawan pala ng isa naming kaibigan at ako lang hindi na inform o hindi nakaka alam tungkol sa birthday ng kaibigan ko, kaya hinati namin ang cake at kinain namin ito sabay pag selfie. Nang nakabihis na kami umakyat kami sa hagdan para makalabas at sa taas ng hagdan, kami ay napagod kaya may nakita kaming agos ng tubig kaya itinanong namin ito kong maiinom ito pero laking pasasalamat namin dahil maiinom ito kaya agad kami uminom, nang nakalabas na kami at naka akyat na sa taas ay nagpahinga muna kami, Pagkatapos naming magpahinga ay sumakay kami ulit ng motor para umuwi at bumaba kami. Umuwi kami mula sa Tinago Falls ang sa aming tirahan, sumakay kami ng iba't ibang sasakyan katulad ng Jeep, Motor at Tri Sikad. Kahit napagod kami ay ang mahalaga ay na enjoy kami sa pagpunta sa Tinago Falls, dahil ang Tinago Falls ay hindi kanya bibiguin sa pagpunta mo doon, kaya isa ito sa mga paborito kong puntahan dito sa Lungsod ng Iligan. Narito ang iba kong litrato na mula sa Tinago Falls.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento